Libreng pulmonary test hirit ng solon
MANILA, Philippines - Dahil sa dumaraming bilang ng mga namamatay sa mga smoking-related diseases gaya ng lung cancer at pneumonia, nais ng isang party-list solon na obligahin ang lahat ng government hospitals na magbigay ng libreng pagsusuri at paggamot sa mga pasyenteng may nabanggit na mga sakit.
Tinawag na “An Act Providing Free Pulmonary Function Test and Setting-Up Treatment Facilities for Diagnosed Patients in all Government Hospitals,” sinabi ni AGHAM Party List Rep. Angelo B. Palmones na layon ng naturang bill na mapigilan ang lung-related illnesses na sanhi ng paninigarilyo at passive victims ng 2nd at 3rd-hand smoking, lalo na sa mga bata.
Nilinaw ni Palmones na hindi naman ito dagdag na pasanin ng gobyerno dahil nakapaloob din sa panukala na 5% ng kita ng cigarette producers or manufacturers ay ilalaan sa testing at treatment.
Pinuna rin ni Palmones na base sa latest data mula sa Department of Health, 90,000 Filipinos ang namamatay kada taon o 250 bawat araw dahil sa sakit dulot ng paninigarilyo tulad ng lung cancer.
At dahil nasa 17 million Filipinos ang regular na naninigarilyo, hinimok ni Palmones ang pamahalaan na gumawa ng mga hakbang na pipigil sa mortality rate sa mga taong lulong na sa yosi.
- Latest
- Trending