^

Bansa

LPGMA Partylist pinayagang makaupo ng Comelec

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng desisyon ang Commission on Elections (Comelec) 1st Division na pumapabor sa pag-upo ng LPG Marketers Association (LPGMA) partylist habang ibinasura ang disqualification petition.

Sa 6-na pahinang resolusyon na may botong 2-1, ibinasura ang petition for cancellation of registration ng LPGMA  dahil sa kawalan ng merito.

Ang pumabor sa pag-upo ng LPGMA Partylist ay sina Commissioners Gregorio Larrazabal at Armando Velasco habang tumutol naman si Presiding Comm. Rene Sarmiento.

Hindi kinagat ng Comelec ang inihaing reklamo nina Antonio Dayao, Rolando Ramirez at Adelio Capco  na hindi isang marginalized partylist group ang LPGMA.

Bigo umano ang mga complainant na mag-cite ng anumang ‘grounds’ na basehan upang madiskwalipika ang LPGMA.

Sakalling mag-isyu na ang Comelec en banc ng Certificate of Proclamation pabor sa LPGMA, ang first seat ay ibibigay sa pangulo nitong si Arnel Ty.

ADELIO CAPCO

ANTONIO DAYAO

ARMANDO VELASCO

ARNEL TY

CERTIFICATE OF PROCLAMATION

COMELEC

COMMISSIONERS GREGORIO LARRAZABAL

MARKETERS ASSOCIATION

PRESIDING COMM

RENE SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with