Live streaming sa Senado, isinulong

MANILA, Philippines - Isinusulong sa Senado ang pagkakaron ng live streaming lalo na sa sesyon at  mga imbestigasyon ng mga senate committees upang makita ito ng publiko.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, mas maiintindihan ng publiko ang ginagawa ng mga senador  kung magkakaroon ng live streaming.

Mas mailalapit din umano sa taumbayan ang Se­na­do at makapagbibigay ng impormasyon at transparency sa publiko kung napapanood nila ang ginagawa ng mga mambabatas.

“Through this bill, we will have initiated a greater informed participation among the members of the senate and the general public. We will bring the senate closer to the people. This will provide the public access to the inner workings of the legislative branch without editing or commentary, so that nothing will be misinterpreted, as they will be getting accurate information in real time,” ani Pangilinan.

Makakapanood din umano ng mga nangyayari sa Senado maging ang mga Pinoy na nasa labas ng bansa at malalaman nila ang updates sa mga ginagawang batas sa Senado.

Ayon pa kay  Pangilinan, nakasaad sa 1987 Cons­titution ang karapatan ng tao sa public information partikular na sa mga gawain ng gobyerno tulad ng senado.

Show comments