^

Bansa

Pinoy citizenship for sale!

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nalantad kahapon ang isang sindikato sa Bureau of Immigration na nagbebenta umano ng Filipino Nationality sa mga dayuhan kapalit ng halaga.

Ginagawa umano ang mabilisang pagpapalit ng nasyunalidad sa pamamagitan ng pinekeng dokumento. 

Binanggit ang isa umanong Australian businessman na si Ezekiel Lok, na ngayon ay Pilipino na dahil sa operasyon ng isang sindikato na may malalim na koneksyon umano sa mga tiwaling opisyales ng BI, National Statistics Office (NSO), at iba pang ahensiya ng gobyerno.

Ipinanganak sa Malaysia si Lok, subalit naging Australian national at may passport number E7555394 na inisyu ng gobyerno ng Australia.

Sa kabila nito, si Lok ay binigyan ng “delayed registration of live birth” ng NSO na pirmado raw ni NSO administrator Carmelita Ericta, noong Marso 11, 2010.

Batay sa NSO, si Lok ay ipinanganak umano sa Murphy St., Cubao, Quezon City, noong Hulyo 8, 1961, kung saan ang kanyang mga magulang ay sina ‘Alberto Lok,’ isang “vendor” at ‘Norma Reyes.’

Batay dito si Lok ay kilala na ngayon bilang si Ezekiel Reyes Lok, na “residente” ng Bgy. Kalibunan, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Noong nakaraang Hulyo 23, si Lok ay dinampot ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil na rin sa mga kwestyunableng dokumento nito.

Bukod sa nakuha sa kanya ang kanyang Australian passport, hindi rin umano marunong magsalita ng Filipino at kahit anong diyalekto ang suspect. Napilitan umanong pakawalan ng ahensiya si Lok dahil sa pakikialam ng isa ring mataas na opisyal ng ahensiya na kasama ng abugado ni Lok ng duma­ting ito sa NBI upang “ayu­sin” ang kaso ng nasabing dayuhan.

Ayon naman sa mga sources, ang nabanggit na abugado ni Lok, isang alias ‘JF’ ang lumalabas na nasa likod ng mga maniobra upang maging “instant Pinoy” si Lok at iba pang mga kliyente nitong dayuhan.

Lantaran din umanong ginagamit ni ‘JF’ ang pa­ngalan ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga iligal na gawain nito dahil “malaki” umano ang naitulong nito sa kampanya ni P-Noy at iba pang kandidato ng Liberal Party (LP) noong nakaraang halalan.

Ayon sa mga sources, pinagmamalaki umano ni ‘JF’ ang kanyang naging papel sa tagumpay ng LP noong eleksyon partikular sa lalawigan ng Bohol.

Direkta umanong nakikipagtransaksyon si ‘JF’ sa mga opsiyales ng BI at iba pang mga opisyales ng gobyernong Aquino para sa interes ng kanyang mga kliyente.

ALBERTO LOK

AYON

BATAY

BUREAU OF IMMIGRATION

CABADBARAN CITY

CARMELITA ERICTA

EZEKIEL LOK

EZEKIEL REYES LOK

LOK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with