Agosto 30, holiday
MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ng Malacañang na holiday ang darating na Agosto 30 bilang pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi na binago ni Pangulong Aquino ang pagdiriwang ng Heroes Day gaya ng nakasaad sa ‘economic holidays’ ng nakaraang administrasyon.
Ginugunita sa Agosto 29 ang National Heroes Day na tumapat sa araw ng Linggo subalit dahil sa economic holidays ay itinakda ito sa pinakamalapit na Lunes (Agosto 30).
Iginiit ng Palasyo, hindi pinepersonal ni Pangulong Aquino ang nakaraang administrasyon kaugnay sa economic holiday nito bagkus ay tinitignan ito ni P-Noy sa case-to-case basis.
- Latest
- Trending