Media briefing na-delay dahil sa 'kambing'

MANILA, Philippines - Naantala ng ilang oras ang itinakdang media briefing ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda kahapon dahil kumain muna ito sa ‘kambingan’ kasama ang ilang miyembro ng Communications Group.

Itinakda ni Sec. Lacierda ang media briefing kahapon alas-11:30 ng umaga subalit biglang kinansela ito ng kanyang tanggapan at inusod ng alas-2 ng hapon.

Inamin ni Lacierda na kumain sila ng tanghalian sa “Vincent Kambingan” na malapit sa Nagtahan gate sa Malacanang kasama sina Communications Group Sec. Ricky Carandang at Usec. Manolo Quezon III.

Humingi naman ng paumanhin si Lacierda sa Malacañang Press Corps sa ‘delay’ ng kanyang briefing dahil sa nais nitong tikman ang sinasabing lutong kambing sa “Vincent Kambingan”.

Show comments