Domeng humina

MANILA, Philippines - Humina na ang bag­yong Domeng pero nana­natiling signal no. 1 sa 17 lalawigan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, nga­­yong Biyernes, si Domeng ay inaasahang nasa layong 50 kilometro hilaga ng Aparri, Cagayan at nasa layong 130 kilo­metro hilaga hilagang kan­luran ng Laoag City sa Sabado.

Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Benguet, La Union, Mt. Province, Isabela, Ifugao, Kalinga Apayao, Abra, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Cagayan ka­sama na ang Calayan at Babuyan islands at Batanes group of islands.

Samantala, isang Low Pressure Area ang nama­taan sa 850 kilometro ng silangan ng Luzon kaya patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan sa lugar na ito laluna sa hapon at gabi kasama na ang Metro Manila.

Show comments