^

Bansa

PETC owners nanawagan sa DOTC

-

MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupo ng Private Emission Testing Center (PETC) sa bansa sa tanggapan ng Department of Transportation and Communications (DoTC) na manghimasok sa suliranin ng PETC direct connection sa IT system ng Land Transportation ma­tapos magpala­bas ng kautusan ang pa­ munuan ng LTO upang itigil ito. Ayon sa presidente ng grupong Alagaan natin ang Inang Kalikasan, Inc. (ANIKALIKASAN), na may mahigit na 100 miyembro ng mga PETC owners sa bansa na si Rodolfo Susi, lubos umano ang kanilang pangamba matapos na mapaulat ang pagpapatigil sa PETC direct connection facility. Sa liham na ipinadala ng grupo kay DoTC Secretary Ping De Jesus, nagpa­ hayag ang grupo ng ka­nilang mariing pagtutol sa disconnection ng PETC direct facility sa halip ay ipinahayag nito ang kani­lang suporta dito base sa mga sumusunod na kada­hilanan. Ang PETC direct umano ay nagkaka­halaga lamang ng P60 kada transaksiyon kum­para sa kasalukuyang sis­tema na ginagamit ng 4 na PETC-IT providers na P80 bawat transaksiyon. Ang PETC-direct ay isang systema na dine­velop ng LTO upang maging online ang verification ng mga sasakyan gamit ang LTO-IT system, mapa­pa­dali din para sa mga PETC operators na maka­ko­nekta sa LTO-IT system.

ALAGAAN

AYON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

INANG KALIKASAN

LAND TRANSPORTATION

PETC

PRIVATE EMISSION TESTING CENTER

RODOLFO SUSI

SECRETARY PING DE JESUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with