Lady enforcers isasabak sa trapiko

MANILA, Philippines - Isasabak ng Land Trans­portation Office (LTO) ang mga female enforcers nito upang tumu­long sa pangangasiwa ng daloy ng trapiko sa bansa partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni LTO Chief Virgie Torres, 20 mga lady enforcers kada rehiyon ang ipakakalat sa mga lansangan.

Anya mas kalmadong kumausap ng mga nag-iinit na ulo ng mga driver sa mga daan, ang mga ba­baeng enforcers at madali ng mga itong mapaki­usa­pan ang mga driver para sundin ang batas trapiko.

“Malamig kase ang mga ulo ng mga driver pag mga babae ang enforcer, ako man naging enforcer noon at maayos din naman naming napapangasiwaan ang trapiko, madali pa kaming sundin ng mga driver kase babae kami” pahayag ni Torres.

Gayunman, dalawang oras lamang sa isang linggo kakalat ng mga lady en­focers ng LTO dahilan sila ay babalik sa kani­lang mga tunay na tra­baho sa loob ng mga opi­sina ng ahen­siya.

Show comments