^

Bansa

MMDA chief magsasampa ng kasong libelo vs accusers

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Magsasampa si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ng kasong libelo laban sa mga nag-akusa sa kanya ng plunder.

Ayon kay Tolentino, layon lang ng kaso na sirain ang kanyang reputasyon at idiskaril ang kanyang mga plano at programa na alisin ang graft and corruption at magpatupad ng kinakailangang pagbabago sa MMDA.

Iginiit ni Tolentino na ang mga kaso ay isinampa anim na taon pagkatapos ng ikatlo at huli niyang termino bilang mayor ng Tagaytay City, kaya simpleng “political harassment” lang ang mga ito.

Mismong si Pangulong Noynoy Aquino, sa kanyang pagtalaga kay Tolentino, ay sinabing ang mga kasong isinampa laban sa MMDA chairman ay panggigipit lang.

Ayon kay Noynoy, bago niya itinalaga si Tolentino ay sinuring maigi ng screening committee ang background nito, kabilang ang mga kasong isinampa laban dito.

“For instance, he was a mayor previously and the charges were filed six years after he finished his terms. So we think he justly explained it completely so we will sign his appointment papers already,” sabi ni Aquino.

Nangunguna umano sa pag-atake kay Tolentino si Ronald Tan. Natalo si Tan sa pagkabise alkalde ng Tagaytay kay Celso de Castro kaya nagsampa ito ng petisyon at sinabing nagkaroon ng malawakang dayaan..

Kasunod nito, naglunsad si Tan ng umano’y paninira laban sa kanyang boss bago idinamay ang kasalu­kuyang Tagaytay City Mayor Abraham “Bambol” Tolentino at ngayon ay sa bagong MMDA chairman.

AQUINO

AYON

BAMBOL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PANGULONG NOYNOY AQUINO

RONALD TAN

TAGAYTAY CITY

TAGAYTAY CITY MAYOR ABRAHAM

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with