^

Bansa

Rehistro sa barangay polls, simula na ngayon

-

MANILA, Philippines - Simula na ngayong araw ang registration period para sa barangay elections.

Ayon sa Comelec, mag­­­tata­gal ang pagpapa­tala ng 10 araw o hang­gang sa Agosto 13 lamang.

Ang mga registrants para sa barangay polls ay kinakailangang Filipino citizen, naninirahan ng anim na buwan o higit pa sa barangay kung saan niya nais na magparehistro, at nasa 18 anyos pataas.

Magtungo sa pinaka­malapit na Office of the Election Officer sa lungsod o munisipalidad mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, kahit pa araw ng Sabado at Linggo.

Kailangang magdala ang registrants ng balidong dokumento na magpapa­tunay ng kaniyang identi­dad tulad ng birth certificate, baptismal certificate, at school records.

Nilinaw ng Comelec na hindi sila tatanggap ng community tax certificate o sedula gayundin ng certification mula sa barangay.

Samantala, mula Agosto 6-15 ang registration para sa SK elections.

Kuwalipikadong mag­pa­tala ang mga kabataang nasa edad 15-17 anyos. (Mer Layson/Doris Franche)

AGOSTO

AYON

COMELEC

DORIS FRANCHE

KAILANGANG

KUWALIPIKADONG

LINGGO

MER LAYSON

OFFICE OF THE ELECTION OFFICER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with