Walang shabu na nahuli kay Sanchez - BuCor

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Bureau of Corrections chief Oscar Calderon ang napalathalang nahulihan ng 1 kilo ng shabu si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez sa loob ng selda nito sa New Bilibid Prisons.

Sinabi ni BuCor chief Calderon, regular na nagsasagawa ng random check ang kanyang mga prison guards lalo sa maximum security compound kung saan ay nakapiit si Mayor Sanchez.

Itinanggi ni Calderon na mayroong nahuling droga sa pag-iingat ng dating alkalde.

Aniya, mahigpit ang kanyang kautusan sa mga prison guards na regular na magsagawa ng random check at inspection lalo sa maximum security compound kung saan ay nakakulong ang mga hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.

Show comments