Rewards sa magtuturo sa tax evaders - BIR
MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkakaloob ng ahensiya ng 10 percent komisyon sa sinumang indibidwal na magtuturo at magbibigay alam sa kanila ng mga tax evaders.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ang naturang hakbang ay bilang incentive sa sinumang tutulong sa kanila na mahabol ang mga taong di nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Nanawagan naman si Pangulong Benigno Aquino III na palakasin ng BIR ang kanilang programang RATE upang umabot sa 15 percent tax effort ratio ang ahensiya.
Wika pa ni Pangulong Aquino, sa panahon ni dating Pangulong Ramos ay umabot sa 17 percent tax effort ratio at inaasahang makakamit din ito ng BIR sa ilalim ng kanyang administrasyon para mapondohan ang mga proyekto ng gobyerno.
Iniutos din ni Aquino sa Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng insentibo sa sinumang mga revenue district office na makakaabot sa kanilang tax collection target.
- Latest
- Trending