^

Bansa

Pondo ng Taguig simot bago eleksiyon

- Mer Layson -

MANILA, Philippines - Namomroblema umano ngayon ang pamahalaang lungsod ng Taguig matapos mabatid na halos nasimot ang pondo bago pa mag-halalan.

Ayon sa kampo ni Taguig City Mayor Laarni “Lani” Cayetano, malaki na ang nabawas at na-obligate na pondo mula January to June in aid of election kaya halos wala na umano silang pagkunan ng pondo para sa proyekto at public services para sa July hanggang December.

Bunsod nito, hinamon ni Team Cayetano spokesperson at former councilor Atty. Darwin  Bernabe Icay ang pamilya Tinga partikular si dating Supreme Court Justice Dante Tinga at anak nito na si former mayor at ngayon ay 2nd district congressman Freddie Tinga na makipagtulungan na lamang para sa kaunlaran ng Taguig at huwag aksayahin ang panahon sa paninira at pananabotahe na makakasakit sa Lungsod.

Ang hamon ay sagot naman ng Team Cayetano sa akusasyon ng Tinga camp na lumalala daw ang krimen sa Taguig.

Pinabulaanan ito ni Taguig Police Chief Supt. Camilo Cascolan at sinabi na sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Lani ay mababa ang insidente ng kriminalidad.

Hinala ni Icay, ang pahayag ng kampo ng mga Tinga na lumalala ang kriminalidad ay pananakip lamang sa mga anomalyang natutuklasan.

“Mga kontratang into the hundreds of millions ang pinasok na sayang lang ang pera habang ang mga health centers ay walang gamot at mga estudyante ay kulang ng classrooms at teachers,” sabi pa ni Icay. 

Idagdag mo pa dito ang midnight donations ng mahigit na 200 sasakyan ng city hall papunta sa mga kakamping barangay, tinatagong mga malalaking kontrata, at pagmamatigas ng mga Tinga loyalists na huwag mailabas ang mga kontrata, talagang systematic ang pagdiskaril sa Cayetano administration, wika pa niya.

BERNABE ICAY

CAMILO CASCOLAN

CAYETANO

FREDDIE TINGA

ICAY

MAYOR LANI

TAGUIG

TEAM CAYETANO

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with