^

Bansa

P-Noy lilipat na sa Bahay Pangarap

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Anumang araw ay po­sibleng lu­mipat na sa Bahay Pa­ngarap si Pa­ngu­long Aquino.

Sinabi ni Col. Ramon Dizon, Presidential Security Group commander, tapos na ang renovation ng Bahay Pangarap na personal na pinanga­siwaan ni Architect Manny Dimacu­langan.

Wika pa ni Col. Dizon, magpapatupad sila ng mas mahigpit na security measures sa Malacañang Park sa sandaling lumipat na rito ang Pangulo.

Aniya, nakipag-ugna­yan na rin ang PSG sa Philippine Coast Guard (PCG) upang ayudahan sila sa mas mahigpit na pagbabantay sa Pasig river kung saan ay may duma­daang mga priba­dong barge at ferry sa may tapat ng Bahay Pangarap.

Pinili ni Pangulong Aquino na maging simple lamang ang renovation na dinagdagan lamang ng isang guest room at isang household room.

Inamin din ng PSG chief na mas mapapadali ang pagbibigay nila ng segu­ridad kay P-Noy kumpara sa pagtira nito sa Times Street, QC.

ANIYA

ARCHITECT MANNY DIMACU

BAHAY PA

BAHAY PANGARAP

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

RAMON DIZON

SHY

TIMES STREET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with