Com Group ni P-Noy buo na

MANILA, Philippines - Humarap kahapon sa media ang bumubuo ng Communications Group ni Pangulong Aquino na sina Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Communications Group Sec. Herminio “Sonny” Coloma at Secretary Ricky Carandang.

Sinabi ni Sec. Coloma, sa kabila ng kawalan pa ng pirmadong Executive Order para sa Com Group ay minabuti ni Pangulong Aquino na magtrabaho na agad ang tatlo.

Si Coloma ang magiging in-charge sa media operations habang si Carandang ay sa messaging. Si Undersecretary Manolo Quezon III ang magiging katuwang ni Sec. Carandang sa messaging. Mananatili naman bilang spokesman si Lacierda kahit na ito ay miyembro ng Com Group.

Ang binuong Com group ang magiging kapalit ng Office of the Press Secretary.

Show comments