^

Bansa

Mega job fair tulong sa mga residente sa Caloocan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Inaanyayahan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente ng lungsod na dumalo sa gaganaping mega job fair na naglalayong mabigyan ng hanapbuhay ang mga naghahanap ng mapapasukang trabaho.

Ayon kay Echiverri, magaganap ang mega job fair sa Rizal Plaza ng Caloocan City Hall na matatagpuan sa A. Mabini St., Caloocan City na sisimulan dakong 8:00 ng umaga at magtatapos bandang 4:00 ng hapon sa July 29 ng kasalukuyang taon.

Ang gaganaping job fair ay may temang “Bagong Sigla, Tuloy-Tuloy na Pag-Asa, Trabahong Handog ni Mayor Recom” kung saan ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makakuha ng trabaho hindi lamang sa lungsod kundi maging sa ibang bansa.

Katuwang ng lokal na pamahalaan sa progra­mang ito ay ang Department of Labor and Employment (DOLE)-CAMANAVA (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela) at ang Philippine Overseas Employment Agency (POEA).

Sinabi ng alkalde na ang gaganaping mega job fair ay isang paraan ng patulong sa mga residente na naghahanap ng kanilang pagkakakitaan na hindi na kailangan pang magtungo sa malalayong lugar para lamang makakita ng trabaho.

BAGONG SIGLA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY HALL

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

ECHIVERRI

MABINI ST.

MAYOR RECOM

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT AGENCY

RIZAL PLAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with