^

Bansa

'Sobra-sobrang bigas ng NFA ibigay na sa mahihirap'

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Pabor si Senator Jose “Jinggoy” Estrada na ipamigay na sa mga mahihirap ang mga sobra-sobrang bigas na nasa National Food Authority (NFA) upang hindi mabulok.

Naniniwala si Estra­da na marami ang ma­kikinabang sa mga sinasabing sobrang bigas na ang iba ay nabubulok na.

Iginiit pa ni Estrada na dapat nang magbuo ng programa ang gobyerno kung paano ipapamahagi ang bigas lalo na sa mga pinakamahihirap na probinsiya ng bansa.

“Ipamahagi sa mahirap kaysa mabulok. Dapat magplano yung gobyerno na to na ibigay lang sa mahihirap yun lalong-lalo na sa pinakamahihirap na probinsiya,” sabi ni Estrada.

Hindi aniya ilegal kung ipapamahagi ang bigas sa mga mahihirap dahil nabili na naman ito ng gobyerno at pera ng pamahalaan ang ginastos dito.

Mas kasalanan aniya sa Diyos kung pababa­yaan na lamang ng pamahalaan na mabulok ang mga sobrang bigas na inangkat noong panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Idinagdag pa ni Estrada na dapat tanungin din ang dating hepe ng NFA kaugnay sa sinasabing sobrang importasyon ng bigas.

BIGAS

DAPAT

DIYOS

ESTRA

IDINAGDAG

IGINIIT

IPAMAHAGI

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG GLORIA ARROYO

SENATOR JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with