^

Bansa

Chavit kumuha ng private lawyer para sa anak

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isang legal team ang kinuha ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson para tulungan ang kanyang anak na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson matapos mahulihan ng 26.1 gram ng cocaine sa Check Lap Kok International Airport sa Hong Kong kamakailan.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs, kumuha ng private lawyers si Gov. Singson para tulungan ang kanyang anak na nakapiit ngayon sa Lai Chi Kok Correctional Institution pero nakahanda naman ang consulate general ng embahada para tulungan ang kongresista.

Kinumpirma naman ni Gov. Chavit ang pagkuha ng legal team para sa kanyang anak. Nahulihan ng 26.1 gram ng cocaine at 2 tableta ng Valuum ang batang Singson noong July 11 pagdating sa Hong Kong airport mula sa Pilipinas.

Ibinasura ng korte sa HK ang kahilingan ni Rep. Singson para makapag­lagak ito ng piyansa para sa kanyang kaso at itinakda naman sa Agosto 19 ang arraignment ng kaso nito sa Tsuen Wan Court.

Natakdang magtungo din sa HK si Gov. Singson upang personal na tignan ang kalagayan ng anak at umaasa itong mapapayagan siyang magpiyansa.

CHAVIT

CHECK LAP KOK INTERNATIONAL AIRPORT

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HONG KONG

ILOCOS SUR GOV

ILOCOS SUR REP

LAI CHI KOK CORRECTIONAL INSTITUTION

RONALD SINGSON

SINGSON

TSUEN WAN COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with