Anak ni Chavit tutulungan ng gov't
MANILA, Philippines - Nakahanda ang gobyerno na bigyan ng legal assistance si Ilocos Sur 1st District Rep. Ronald Singson matapos na arestuhin ito ng mga awtoridad sa Hong Kong kaugnay sa illegal drugs.
Sinabi ni Presidential Communications Group Sec. Sonny Coloma, handa ang gobyerno na tulungan ang sinumang citizens nito na nahaharap sa kaso sa ibang bansa.
Magugunita na inaresto si Rep. Singson, anak ni Ilocos Sur Gov. Chavit Singson, sa pag-iingat ng 26.1 gram ng cocoaine at 2 tableta ng diazepam o Valium na isang uri ng sedative drug sa Check Lap Kok International Airport sa Hong Kong.
Kinumpirma naman ni Gov. Singson na ang kanyang anak na kongresista ay naaresto sa Hong Kong at nakakulong ngayon.
Ayon Gov. Singson, broken hearted kasi ang kanyang anak dahil sa paghihiwalay nila ng kasintahan nitong si Lovi Poe. Patungo umano ang kanyang anak sa Macau upang makipagkita sa international singer na Usher nang masabat sa HK International Airport.
Kasabay nito, kumilos na ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang tulungan ang anak ni Gov. Chavit.
Personal nang tumungo si DFA Spokesman Ed Malaya sa Hong Kong upang makipag-ugnayan sa Konsulado ng Pilipinas hinggil sa usapin kay Singson at sa iba pang Pinoy na nasasangkot sa illegal drugs.
Si Congressman Singson ay nakatakdang iharap sa Tsuen Wan court sa Agosto 19 para sa unang paglilitis ng kanyang kaso.
Base sa pinaiiral na batas ng China kung saan teritoryo nito ang HK, ang mga mahuhulihan ng 50 gramo ng illegal drugs ay maaaring mapatawan ng 15 taon o hanggang habambuhay na pagkabilanggo at bitay.
- Latest
- Trending