Senior citizens may 5% discount sa mga basic goods - DSWD
MANILA, Philippines - Nilinaw ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang mga senior citizens sa bansa ay may 5 percent discount sa mga pangunahing bilihin.
Ang hakbang ay ginawa ng DSWD bilang paglilinaw kaugnay ng batas na nagkakaloob ng 20 percent discount sa mga elderly sa pagkain, panunuod ng sine, pagbili ng gamot, pagsakay sa eroplano, barko at iba pa.
“Basic necessities and prime commodities are not covered by the 20 percent discount for senior citizens; instead, these are subject to special discount of 5 percent,” ayon sa DSWD.
Ang mga prime commodities naman na may 5 percent discount ang mga elderly ay tulad ng bigas, mais, tinapay, sariwang isda, tuyo at de-latang isda, iba pang marine products, sariwang karneng baboy, beef at poultry, karne, sariwang itlog, fresh at processed milk, sariwang gulay, root crops, coffee, cooking oil, salt, sabong panlaba at panligo.
Maaari lamang makakuha ng special discounts na 5 percent ang mga elderly sa mga nabanggit na prime commodities sa supermarkets, grocery stores, convenience at mini-convenience stores kabilang ang sari-sari stores, wet market, “talipapa” at kooperatiba.
Pinayuhan din ng DSWD ang mga senior citizens na dapat ay laging dala ang kanilang purchase booklet kapag bibili ng naturang mga produkto.
- Latest
- Trending





















