Appointee ni GMA hiling ilipat ng puwesto

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang mga opisyal at kawani ng Quedancor na itinayo ni dating Pangulong Cory Aquino para tulungan ang mga maliliit na magsasaka at mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpa­pa-utang sa maliit na inte­res, na ilipat na lamang sa ibang posisyon ang kani­lang pangulo na midnight appointee ni dating Pa­ngulong Arroyo.

Ayon kay Leode­ga­rio Valera Jr., kinatawan ng Quedancor employees, wala na silang tiwala sa kakayahan ni Quedancor Pre­sident Federico Espiritu.

Sinabi ni Valera, sa operational aspect ay mahina raw si Espiritu dahil maba­baw ang kanyang kaala­man sa mga accounts ng Quedancor kaya ayaw umano siyang kausapin ng mga operations manager.

Aniya, sa halip na paig­tingin ang buhay nito para sa kapakinabangan ng mga mangingisda at mag­sasaka ay mas isi­nusulong ni Espiritu ang pagbuwag sa Quedancor. Naging ma­tagumpay ang Que­dancor sa loob ng mara­ming pa­na­hon na pinamu­munuan ito ng mga maga­galing na lider subalit bu­mu­lusok dahil umano kay Espiritu.

Hinikayat nila si Pa­ngulong Noynoy Aquino na ihanap na lamang ng ibang posisyon si Espiritu. Nga­yong araw (Biyernes) ay magkakaroon ng board meeting sa Quedancor na pamamahalaan ng agriculture secretary kaya ina­asahang ipaaabot ng mga kawani ang kanilang ka­gustuhang mailipat na lamang ito. 

Show comments