MANILA, Philippines - Apat na milyong pamilya ang dumaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan batay sa survey ng Social Weather Stations nitong Hunyo 2010.
Ayon sa SWS, walang pagbabago ang hunger rate sa bansa at lumubha pa dahil tumaas sa 1.4 percent ang Severe Hunger Rate at bumagsak naman sa 1.5% ang Moderate Hunger.
Ang Moderate Hunger batay sa survey ay yaong mga dumadanas ang tao na wala ng makain o minsan lang makakain sa nakalipas na tatlong buwan. Bumaba ito mula sa 3.4 milyong pamilya noong Marso sa 3.2 milyong pamilya nitong Hunyo.
Ang Severe Hunger naman ay palagiang walang makain o laging walang makain sa nakalipas na tatlong buwan mula 530,000 pamilya sa 780,000 pamilya.
Ang Overall Hunger ay tumaas ng may 5 points sa Metro Manila, mula sa 432,000 pamilya naging 550,000 pamilya.
Two points naman ang tinaas sa Mindanao mula 1 milyong pamilya naging 1.1 milyon ang gutom doon samantalang sa Visayas ay 800,000 pamilya ay naging 790,000 pamilya ang nagutom.