MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ni Justice Secretary Leila de Lima si Presidential Commission on Good Government (PCGG) Commissioner Ricardo Abcede kung bakit ito nagpalabas ng memorandum order na nagsasabing ito ang pansamantalang pinuno ng PCGG kapalit ng nagbitiw na si Camilo Sabio.
Sinabi ng Kalihim, kailangan magpaliwanag si Abcede kung bakit illegal itong nagpalabas ng memorandum upang hindi siya masampahan ng kasong administratibo.
Nilinaw pa ng Kalihim na wala pang naitatalagang kapalit ni Sabio at masusi pa nilang sinusiri ang records ng PCGG kung sino ang next in rank at most senior official na maaring maging Officer in Charge (OIC) ng PCGG.
Nauna nang ipinawalang bisa ni de LIma ang ipinalabas na memorandum order ni Abcede na may petsang July 14 kung saan nakasaad na siya ang magsisilbing OIC dahil siya ang most senior commissioner ng PCGG.