^

Bansa

Smuggling ng bakal nasakote ni Alvarez sa BoC

-

MANILA, Philippines - Umaabot sa P7 milyong halaga ng smuggled steel bars na galling China ang nasabat ni Customs Commissioner Angelito Alvarez kahapon sa Port of Manila.

Ayon kay Comm. Alvarez, ito ang kauna-unahang kontrabando na nasabat ng BoC sa ilalim ng kanyang pamumuno.

“President Aquino directed us to strengthen our campaign against smuggling. Simula ngayon hindi na natin papalampasin ang mga illegal na gawain,” wika pa ni Alvarez.

Aniya, kung nakalusot ang nasabing kontrabando ay aabot sa P2.1 milyon ang mawawala sa revenue ng gobyerno.

Wika pa ni Alvarez, nagreklamo sa kanila ang Steel Angles, Shapes and Sections Manufacturers Association of the Philippines (SASSMAPI) kaugnay sa nasabing illegal shipment.

Nagpasalamat naman sina  SASSMAPI executive director Ramon Khu at vice-president Ramon Tan sa mabilis na pag-aksyon ni Comm. Alvarez.Natuklasan na ang nasabing kargamento ay nakapangalan sa NML Merchandise ng barangay Malaya St., QC. Natuklasan ng Enforcement and Investigation Services ng BoC na bogus ang nasabing kumpanya.

ALVAREZ

CUSTOMS COMMISSIONER ANGELITO ALVAREZ

ENFORCEMENT AND INVESTIGATION SERVICES

MALAYA ST.

NATUKLASAN

PORT OF MANILA

PRESIDENT AQUINO

RAMON KHU

RAMON TAN

SHAPES AND SECTIONS MANUFACTURERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with