^

Bansa

Raliyista kay P-Noy: 'Huwag kaming itaboy sa SONA'

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umapela kahapon kay Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III ang mga militanteng grupo na huwag silang itaboy sa malayo kasabay ng nakatakdang State of the Nation Address (SONA) nito sa Hulyo 26 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa may Quezon City.

Sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, sinabi ni Renato Reyes, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), umaasa silang hindi sila itataboy sa malayo ng mga awtoridad dahil nais lamang nilang marinig ang sasabihin ni Pangulong Aquino.

Pinuna ni Reyes ang “over acting” na reaksiyon ng kapulisan dahil sa napakalaking bilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na itatalaga sa bisinidad kung saan gagawin ang SONA ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Reyes, hindi umano magandang tignan na nagsanay pa ang mga pulis kung paano paluin ng makas ang mga raliyista samantalang sinabi ni Aquino na tapos na ang manhid na gobyerno.

Dapat umanong ipakita ng administrasyong Aquino na bukas sila sa daing ng mamamayan at hayaan nilang makalapit naman ang mga ralyista.

AQUINO

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG AQUINO

PANGULONG BENIGNO SIMEON

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

RENATO REYES

REYES

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with