MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Coast Guard (PCG) na kanilang kakastiguhin ang mga pasaway na mangingisda na nagpupumilit pa rin maglayag sa kabila nang may babala na ng bagyo.
Ayon kay PCG Spokesman Lt.Commander Armand Balilio, hahabulin nila ang mga ito kahit sa gitna ng karagatan at kanila itong ikukulong at irerekomenda ang kanselasyon ng mga permit.
Kasabay nito, inirekomenda ni Balilo sa mga mangingisda na magdala ng cellphone sa kanilang paglalayag para sa mabilis na komunikasyon sa PCG.
Dapat anyang sumunod ang mangingisda sa mga maritime safety at abiso nang sa gayon ay maiwasan ang aberya sa karagatan partikular na kapag masama ang lagay ng panahon.
Hinimok rin ni Balilo ang mamamayan na makilahok sa kampanya ng PCG kaugnay sa maritime safety, dahil sila lamang ang unang nakakaalam kung may problema ang isang barko.