^

Bansa

Yusoph lalaya na?

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Inaasahang lalaya na ang bihag na anak ni Comelec Commissioner Elias Yusoph matapos mapatay sa engkuwentro ng tropa ng militar ang isa sa mga lider ng mga kidnapper na may hawak dito nitong Miyerkules ng hapon sa bayan ng Masiu, Lanao del Sur.

Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino ang nasawing lider ng mga kidnappers ay si Dimaporo Dimasacal alyas Commander Delta Force.

“We have been exerting pressure, there is an ongoing negotiations from the Council of Elders, we are hopeful he will be freed soon “, ani Dolorfino sa phone interview.

Si Commander Delta Force ang isa sa tatlong grupo na nagpapasa-pasa sa bihag na si Nuraldin Yusoph, 21-anyos na ayon kay Dolorfino ay nasa lig­­tas na kalagayan dahilan wala ito sa en­ counter site.

Bandang alas- 3:30 ng hapon ng masabat ng mga elemento ng Army’s 51st Infantry Battalion at Army’s 103rd Infantry Brigade ang grupo ni Commander Delta Force sa bahagi ng Brgy. Aleem Rayah Karamian, Masiu, Lanao del Sur na nauwi sa bakbakan ng magkabilang panig na ikinasawi ng nasabing lider ng mga abductors ni Yusoph.

Ayon kay Dolorfino sa kasalukuyan ay demo­ralisado na ang mga kidnappers sa pagkakapatay sa lider nilang si Commander Delta Force at bunga nito ay tiwala silang mapapawalan na si Nuraldin ng kaniyang mga abductors.

Magugunita na si Nuraldin ay binihag ng mga armadong kidnappers matapos itong magsimba sa isang mosque sa Marawi City noong Hunyo 20.

ALEEM RAYAH KARAMIAN

BEN MOHAMMAD DOLORFINO

COMELEC COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

COMMANDER DELTA FORCE

COUNCIL OF ELDERS

DIMAPORO DIMASACAL

DOLORFINO

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

LANAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with