^

Bansa

Nahulihan ng 2.5 kilo ng heroin sa Indonesia, Pinay mabibitay

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isa na namang Fili­pina ang mahaharap sa parusang bitay matapos mahulihan ito ng 2.5 kilo ng heroin sa kanyang bagahe habang pa­pasok sa Ngurah Rai Airport sa Bali, Indonesia.

Sa natanggap na ulat kahapon ng Department of Foreign Affairs mula sa RP embassy sa Indonesia, ang naares­tong may dala ng 2.5 kilo ng heroin ay si Carolina Sarmiento, 41 anyos. Naaresto ito ng Customs Police noong Martes sa Ngurah Rai Airport.

Si Sarmiento ay agad na inaresto mata­pos ang isinagawang pagsusuri ng Customs officers sa kanyang luggage ilang minuto la­mang pagkababa niya sa nasabing paliparan noong Lunes ng gabi.

Lumabas naman sa report ng The Jakarta Post na nagmula sa Kuala Lumpur, Malaysia si Sarmiento at tinang­kang pumasok dala ang 2.5 kilong heroin na nag­kakahalaga ng Rp5 bilyon (pera ng Malaysia) o P26.5 milyon papasok sa Indonesia.

Sinabi ng Bali Customs officials na nadis­kubre ang heroin ha­bang nakatago sa loob ng hardcase luggage ng nasabing turistang Pinay.

Ang pagkaka-aresto umano sa Pinay ay ang ikalawang insidente ng pagkakasabat sa mga hinihinalang drug mules sa loob lamang ng 24 oras sa Indonesia ma­tapos na matiklo din ng Customs officers ang isang babaeng Malaysian na may dalang 220 gramo ng methamphe­tamine hydrochloride o shabu na nakatago sa ibaba ng kanyang suot na pantalon habang papasok sa Dumai seaport noong Martes.

BALI CUSTOMS

CAROLINA SARMIENTO

CUSTOMS POLICE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

JAKARTA POST

KUALA LUMPUR

NGURAH RAI AIRPORT

PINAY

SHY

SI SARMIENTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with