Customs chief puwedeng sibakin ni P-Noy
MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ni Sen. Serge Osmeña III na dapat bawiin ni Pangulong Aquino ang appointment ni Customs chief Angelito Alvarez kapag napatunayang nandaya ito sa larong golf.
Naniniwala si Sen. Osmeña na maaapektuhan maging ang kredibilidad ni P-Noy kung pananatilihin sa puwesto si Alvarez na inaakusahang nandaya sa paglalaro ng golf sa Alabang Country Club.
“Definitely (dapat tanggalin sa puwesto)..mawawala ang credibility ni Pangulong Aquino,” sabi ni Osmeña.
Ipinaalala pa ni Osmeña na ang isang tao na hindi mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay hindi umano maaaring pagkatiwalaan sa mas malaking bagay.
Wika pa ni Osmeña, malaking responsibilidad ang kakaharapin ni Alvarez dahil nakasalalay sa kaniya ang pagtaas ng koleksyon ng Bureau of Customs.Si Alvarez ay naging team manager sa PBA ng Air 21 at naging chairman din ng PBA.
- Latest
- Trending