^

Bansa

Ombudsman Gutierrez hindi puwedeng tanggalin ni P-Noy

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil may fixed term na hanggang 2012, hindi pa umano puwedeng palitan o tanggalin sa puwesto ni Pangulong Benigno “P-Noy” Aquino III si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang Office of the Ombudsman ay isang constitutional body  kaya hindi basta-basta puwedeng galawin si Gutierrez.

Hindi pa rin aniya pinag-uusapan kung sino ang papalit kay Gutierrez na kilalang malapit sa pamilya ni dating Pangulong Gloria Arroyo dahil naging ka-klase ito sa Ateneo Law School ni dating First Gentleman Mike Arroyo.

Ipinahiwatig ni Lacierda na sa ngayon ay mas aasahan ng Malacañang sa pag-iimbestiga sa mga katiwaliang nangyari noong panahon ni Arroyo ang bubuuing Truth Commission.

Partikular na tinukoy ni Lacierda ang fertilizer fund scam kung saan kaugnay ang kaso sa pagpaslang ng isang journalist na si Marlene Esperat.

“Naalala po ninyo may napaslang na isang journalist, si Marlene Esperat po, ‘di ba. Ito po ay dahil sa fertilizer fund scam dahil po maraming natatakot dahil sa nangyari, marami ang ayaw magsiwalat ng katotohanan. Inaasahan po namin sana dito sa Truth Commission na pagka nabuo na po ito, marami na pong mabubuting tao ang maglalabas at maglalahad ng katotohanan sa pangyayari,” sabi pa ni Lacierda.

vuukle comment

ATENEO LAW SCHOOL

EDWIN LACIERDA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

LACIERDA

MARLENE ESPERAT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

PANGULONG BENIGNO

PANGULONG GLORIA ARROYO

TRUTH COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with