^

Bansa

LTO nailipat na kay Torres

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Pormal nang naisalin ni outgoing LTO Chief Alberto Suansing ang tungkulin sa bagong LTO Chief Virginia Torres sa ginanap na turn-over ceremony kahapon sa Bulwagang Edu LTO east Avenue QC.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Torres ang pagkakatalaga sa kanya ng Pangulong Noynoy Aquino at naniniwala siya anya na may pagkakataon pala na mamuno ang isang taga-LTO sa pinakamataas na posisyon dito.

Hiniling din niya sa mga kaanak, kaibigan at kakilala na wag magsasamantala sa posisyon na naibigay sa kanya bagkus ay ipakita ang pagiging modelo sa taumbayan at huwag siyang gagamitin para hindi mahuli sa trapiko.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Suansing ang mga tauhan sa ahensiya na nakatulong niya sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Sa talumpati naman ni DOTC Secretary Ping de Jesus, hiniling niya sa mga LTO officials at employees na sama-samang baguhin ang image ng LTO at isiping hindi sila ang amo kundi ang taumbayan ang amo ng mga nasa government office at pagsilbihan ng maayos ang publiko.

Kinokonsidera din ni de Jesus na mabigyan ng trabaho sa DOTC si Suansing dahilan sa mahusay nitong nagampanan ang trabaho sa LTO at LTFRB.

Una nang nagpa abot ng manifesto ang ibat ibang transport groups kay de Jesus na imaintain sa posisyon si Suansing dahil malaki ang naitulong nito sa hanay ng transportasyon.

BULWAGANG EDU

CHIEF ALBERTO SUANSING

CHIEF VIRGINIA TORRES

HINILING

KAUGNAY

KINOKONSIDERA

LTO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SECRETARY PING

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with