Proteksyon sa kalikasan isinulong ng SBMA
Subic Freeport , Philippines – Sinimulan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang kanilang 2-buwang tree-planting program para sa conservation ng kagubatan, karagatan at kapaligiran sa free port.
Ayon kay SBMA Administrator Armand Arreza, layunin ng tree-planting program na ito na maprotektahan ang ating kalikasan kung saan ang bawat departamento sa SBMA ay dapat makapagtanim ng puno at alagaan ito sa loob ng 3 taon hanggang sa yumabong ito.
“Each day for the rest of July and August, we shall be planting trees first in our forest areas, then later at the Central Business District to make this area greener,” paliwanag pa ni Arreza.
Nagsagawa din ng mga seminar ang SBMA sa Ecology Center nito para sa tamang pag-aalaga ng puno.
Winika naman ni Amethya dela Llana-Koval, ecology center chief ng SBMA, nakakuha sila ng mahigit 10,000 native seedlings mula sa indeginous areas na kanila ngayong itatanim.
Dahil dito, wika pa ni Koval, nakatipid ang SBMA ng P900,000 para sa nasabing mga seedlings na kanilang itatanim ngayon.
- Latest
- Trending