18 nat'l bets di nag-submit ng gastos sa kampanya
MANILA, Philippines - Mayroong 18 national candidates, kabilang ang isang nanalong senador sa katatapos na halalan noong Mayo 10, ang hindi umano nakapagsumite ng kani-kanilang Statements of Campaign Contributions and Expenditures sa Commission on Elections (Comelec).
Sa record ng Comelec Law department, hindi nakapagsumite ng expenditure report hanggang noong Hunyo 24 ang mga presidential candidates na sina John Carlos delos Reyes ng Ang Kapatiran Party, Jesus Is Lord (JIL) leader Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas Party at ang nanalo sa pagka-senador na si Senator Sergio Osmena III.
Hindi rin naman umano nakapagsumite ng expenditure report sina vice presidential bets Jay Sonza, Neric Acosta, Shariff Alloni, Zaffrullah Alonto, Henry Carreon, Kata Inocencio, Alma Lood, at Liza Maza, gayundin sina Adz Nikabulin, Ramoncito Ocampo, Jovito Palparan, Rodolfo Plaza, Adrian Sison, Alex Tinsay at Hector Villanueva.
Nakasaad sa batas na ang nanalong kandidato na hindi nakapagsumite ng expenditure report ay hindi maaaring makaupo sa pwesto habang ang mga natalong kandidato na nabigong magsumite ng kanilang statement, ay maaaring pagmultahin.
Sinabi ni Atty. Ferdinand Rafanan, head ng Comelec Law Department, sa kaso ni Osmena, ang Senado na ang magdedesisyon kung papayagan itong makapanungkulan o hindi.
Samantala ang DILG naman ang magpapasya kung papayagang makapanungkulan ang isang local na kandidato na nanalo sa halalan kung bigo itong isumite ang kaniyang expenditure report.
- Latest
- Trending