^

Bansa

AFP magre-recruit ng dagdag na sundalo vs NPA rebels

- Ni Joy Cantos/Mary Ann Chua, trainee -

MANILA, Philippines - Magre-recruit ng ka­ragdagang sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang isabak kontra mga rebeldeng NPA na patuloy sa paghahasik ng terorismo.

Ito’y sa gitna na rin ng inilatag na panibagong 3 taong ultimatum ng bagong luklok na si AFP Chief of Staff Gen. Ricardo David para tuldukan ang NPA rebels.

Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Johnny Mabanta, kasalukuyan ng tinatalakay ng bagong liderato ni David ang pagre-recruit ng karagdagang tropa ng mga sundalo.

Sa kasalukuyang ratio, ipinunto ng heneral na kulang na kulang ang 120,000 na kasalukuyang puwersa ng mga sundalo para mabigyang proteksyon ang tinatayang mahigit  90 milyong populasyon ng Pilipinas.

“We need funding for the recruitment,” ani Mabanta na sinabi pang ibubuhos ng AFP ang lahat ng resources nito para sa pagtupad sa nasabing misyon.

Matapos ang pagbalangkas ay isusumite nila sa Kongreso ang rekomendasyon para sa pagre-recruit ng karagdagang puwersa ng AFP.

Magiging prayoridad naman ng operasyon kontra NPA rebels ang mga pinamumugaran nitong teritoryo sa Bicol Region, Davao-Compostella Valley area, Samar, Negros Island at iba pa.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

BICOL REGION

CHIEF OF STAFF GEN

DAVAO-COMPOSTELLA VALLEY

JOHNNY MABANTA

NEGROS ISLAND

RICARDO DAVID

SPOKESMAN BRIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with