Pagyo-yosi ni PNoy hindi pakikialaman ng bagong DOH Secretary

MANILA, Philippines - Si Pangulong Noynoy Aquino lamang umano ang makakapagdesisyon na talikuran ang paninigarilyo o hindi.

Ito ang paniniwala ni Health Secretary Enrique Ona dahil isang responsableng tao umano si P-Noy at kaya niya itong pagdesisyunan sa kaniyang sarili. 

Nilinaw ni Ona na walang kuwestiyon na masama sa kalusugan ng isang tao ang paninigarilyo subalit mayroon umanong isyu ng moderation ng paninigarilyo

Ipinaliwanag pa ng Kalihim na marami namang tao ang naninigarilyo upang makapag-relax lamang. 

Kasabay nito, pinayuhan rin ni Ona ang mga kabataan na umiwas sa agresibong paninigarilyo dahil napakaimportante aniya nito. 

Una rito, hinikayat ni dating Health secretary Esperanza Cabral at ilang Obispo ng Simbahang Katoliko si Aquino na maging isang mabuting ehemplo at iwasan na ang paninigarilyo.

Show comments