^

Bansa

Rigodon sa PNP sinimulan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pormal na nanungkulan kahapon bilang bagong Director ng Highway Patrol Group (HPG) ang dating Spokesman ng PNP na si Chief Supt. Leonardo Espina sa simpleng turnover ceremony na ginanap sa Camp Crame. Ito’y matapos na isalin ni Chief Supt. Orlando Mabutas ang kapangyarihan kay Espina.

Inanunsiyo rin ni PNP Deputy Director Perfecto Palad ang promosyon ni Mabutas bilang Director ng PNP Region 1. Papalitan ni Mabutas si Chief Supt. Constante Asares na nagretiro na sa serbisyo  habang si Espina ay papalitan naman ni Sr. Supt. Agrimero Cruz ng Directorate for Police Community Relations (DPCR).

Epektibo sa  Hulyo 5 ang pag-upo naman ni Cruz bilang bagong Chief ng PNP Public Information Office (PIO).

Samantala, kinilala ni Palad ang mabungang pagsisilbi ni Mabutas sa HPG sa loob ng isang taon at anim na buwan. Kabilang dito ang pagbaba ng carnapping at carjacking incidents. Partikular dito ang carnapping na bumaba sa 19%  noong isang taon habang naitala na ang pagbaba sa 7.20% sa unang limang buwan ngayong 2010.

Sinabi pa ni Palad na may magandang naghihintay sa mga namumuno sa HPG dahil may 80% sa mga namuno ay na-promote o nabibigyan ng pagkakataong maging Regional Director.

Itinaas din ni Palad ang moral ng mga tauhan ng HPG at sinabing may malaking papel na ginagampahan ang naturang yunit sa imahe ng PNP.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CONSTANTE ASARES

DEPUTY DIRECTOR PERFECTO PALAD

ESPINA

HIGHWAY PATROL GROUP

LEONARDO ESPINA

MABUTAS

PALAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with