Rehistro sa SK polls simula na

MANILA, Philippines - Sinimulan na kahapon ng Commission on Elections ang pagpaparehistro sa mga bagong botante para sa isasagawang Sang­­guniang Kabataan (SK) elections.

Magtatagal ng halos isang buwan ang pagpa­pa­­rehistro na magtatapos hanggang July 31.

Nanawagan naman ang Comelec sa mga ka­bataang magki-kinse at 18-anyos na huwag pumila sa huling araw ng pagpa­pa­rehistro upang hindi mag­ka-aberya.

Nauna nang nagdesis­yon ang Comelec na ga­wing hiwalay ang pagpa­pa­rehistro ng mga botante sa SK at barangay election.

Nagpasya din ang Comelec na gawing mano-mano ang eleksyon dahil masyado umanong ma­gas­tos kung gagawin pa itong automated.

Show comments