MANILA, Philippines - Muling nakatanggap ang Bureau of Immigration (BI) ng papuri mula sa pamahalaan ng United States at People’s Republic of China dahil sa “mataas na antas ng professionalism at pagiging epektibo sa serbisyo publiko”.
Tumanggap din si Immigration Commissioner Marcelino Libanan kahapon ng hiwalay na pagbati mula sa dalawang pamahalaan sa programang tinaguriang ‘Pasasalamat’.
Pinuri rin ng US at China si Libanan at ang ahensiya sa kanilang aktibong papel sa pag-aresto at pag-deport sa mga puganteng Amerikano at Tsino na nagtatago sa Pilipinas.
Tinanggap ni Libanan ang plake mula sa US State Department-Diplomatic Security Service and Overseas Criminal Investigations sa kanyang “commitment to excellence, service and outstanding performace” bilang commissioner ng BI at sa walang humpay na suporta sa kampanya ng Washington sa pagtunton at pag-aresto sa mga puganteng Kano na nagtatago sa bansa samantala, pinuri ng Chinese consul general sa Manila na si Li Qinfeng kasama sina Consuls Wang Boo at Wang Xiao Bo si Libanan sa paghahatid ng walang patid na suporta ng BI sa law enforcement programs ng Beijing, particular sa pagtunton, pag-aresto at pagpapatapon sa puganteng Tsino sa Pilipinas.