Speakership ni SB suportado

MANILA, Philippines - Lalo pang tumibay ang posibilidad na makopo ni Quezon City 4th district Rep. Feliciano “SB” Belmonte ang speakership sa Kongreso makaraang ihayag ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang suporta para dito.

Sinabi ni Tiangco na isa siya sa magsusulong at bo­boto para sa ikalawang speakership ni Belmonte sa pagbubukas ng 15th Congress sa susunod na buwan ng Hulyo.

Bilang isang tunay na oposisyon sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP), mas napipisil ni Tiangco si Belmonte kaysa kay Rep. Edcel Lagman na siya umano ngayong pambato ng Lakas-Kampi-CMD kahalili ni Pampanga Congresswoman-elect at Pangulong Arroyo.

Sinabi pa ni Tiangco na mayroon siyang isang salita at nauna na itong nakapangako kay Belmonte. Ngunit nilinaw naman ni Tiangco na hindi nangangahulugan ng pagboto niya kay Belmonte ay lilipat na siya sa Liberal­ Party. Iginiit nito na tapat siya at mananatili na miyembro ng PMP ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Show comments