Outgoing Defense Chief magbabalik-eskuwela
MANILA, Philippines - Babalik sa paaralan si outgoing Defense Secretary Norberto Gonzales kaugnay ng pagtatapos ng termino nito bilang miyembro ng Gabinete ng administrasyong Arroyo.
Sa ginanap na despidida nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Gonzales na nagkapag-enroll na siya sa San Carlos University sa Cebu City bilang Architecture student.
Aniya, bagaman nag-umpisa na ang klase ay makakaya pa rin niyang makahabol sa mga susunod na araw dahil nasa ‘orientation stage’ pa lamang ang mga freshmen students na magiging kaklase niya sa nasabing kurso.
Dahil isa na siyang propesyunal ay maaring ma-credit na ang iba niyang mga subject. Ang tanging kondisyon sa kaniya ng pangulo ng nasabing unibersidad na kaniyang kaibigan ay bawal ang mamulitika sa loob ng campus, bagay na kaniyang irerespeto.
Nabatid na si Gonzales ay isang pre-med na mahilig sumubok ng iba’t-ibang aralin.
Sa harap naman ng inaasahang pagiging abala ni Gonzales sa nasabing kurso na kaniyang ipupursige ay tiniyak nitong magiging aktibo siya sa itatatag na ‘Shadow cabinet ‘ na ang magiging trabaho ay maging watchdog ng papasok na administrasyong Aquino.
Idinagdag pa ni Gonzales na tinapos na niya ang kaniyang pag-iimpake sa kaniyang tanggapan sa Camp Aguinaldo nito pang nakalipas na linggo.
- Latest
- Trending