^

Bansa

3 OFWs ginugulpi, 'di pinapasahod ng amo

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Tatlong Pinay na bik­tima umano ng pagma­maltrato at pang-aabuso ng kanilang sponsor ang humingi ng tulong sa Embahada ng Pilipinas upang masagip at ma­pauwi sa Pilipinas mula sa Saudi Arabia. Hiniling ng tatlong Pinay kay Ambassador Antonio Villamor na tulungan silang makauwi sa Pili­pinas o kaya ay maka­hanap ng ibang sponsor.

Nabatid sa tatlong Pinay na minamaltrato sila ng Syrian na asawa ng kanilang sponsor bukod sa hindi pagbibigay sa kanilang limang buwang sahod na 5,000 Saudi riyals o 1,000 riyals ($266) kada buwan.

Sinabi ng isang Pinay na pinagsasampal at si­nuntok sa dibdib ng misis ng kanyang sponsor na na­ganap noong Hunyo 13, 2010 nang atasan silang tatlo ng kanilang among babae na magtrabaho ng iba’t ibang gawaing bahay.

Habang nagluluto uma­no ang isang Pinay ay tinawag ng among babae at tinanong kung naririnig ba niya ang kanyang mga tagubilin kung kaya su­magot ang una na narinig nya subalit uunahin muna niya ang ginagawang pagluluto. Dito umano nairita ang among babae at bigla na lamang siyang sinuntok sa dibdib at si­nampal sa mukha. Ayon naman sa isa pa, binantaan din umano siyang bubuhusan ng mainit na tubig ng among babae na naganap habang nagbabakasyon ang mag-asawang amo at kanilang mga anak sa Lebanon.

Nakikipag-ugnayan na ang Embahada sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah para sa kaso ng tatlong OFWs.

AMBASSADOR ANTONIO VILLAMOR

AYON

DITO

EMBAHADA

HABANG

PILIPINAS

PINAY

SAUDI ARABIA

SHY

TATLONG PINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with