MANILA, Philippines - Katakut-takot na kaso ang isasampa laban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kabilang ang kasong administrative, graft and corruption, plunder, at ethical standard for government officials and employees matapos mawala ang immunity nito sa June 30 bilang pangulo ng bansa.
Sinabi ni Bayan Muna party list Rep. Teddy Casino, isa sa pinakamalakas na kasong bubuhayin para isampa kay GMA ay ang tungkol sa National Broadband Network-ZTE deal.
“The NBN-ZTE deal is a strong case against her,” ani Casino.
Sabi ni Casino mawawala na ang immunity sa mga kasong ihahain kay GMA oras na bumaba siya sa Malacañang.
Ang target date na isasampa nila ang plunder case kay GMA ay sa Hulyo 1 dahil ang June 30 ay holiday, ayon pa kay Casino.