^

Bansa

Wala pang hahawak ng Bible sa panunumpa ni PNoy

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inamin ng inaugural committee ni President-elect Benigno Aquino III na wala pang katiyakan kung sino ang hahawak ng Bible sa panunumpa ni PNoy sa darating na June 30.

Sinabi ni Manolo Quezon III, spokesman ng inaugural committee, kadalasan ang humahawak ng Bibliya ay ang kabiyak ng nanalong Pangulo.

Wala pang asawa si Aquino su­balit mayroon itong kasintahan, si Valenzuela City Councilor Shalani Soledad.

Ayon kay Quezon, hindi pa nagbibigay ng abiso ang pamilya Aquino kung sino ang pahahawakin nila ng bibliya sa panunumpa ni PNoy.

Sa mga nakalipas na ina­gurasyon ng mga Pa­ngulo ay ang kabiyak nila ang humahawak ng bibliya tulad ni Pangulong Arroyo na si FG Mike Arroyo ang may hawak ng bible noong manumpa ito sa Cebu City noong 2004.

Sa panahon naman ni dating Pangulong Estrada ay si First Lady Loi ang hu­ma­wak ng bible noong 1998 at si First Lady Amelia Ramos naman ang may hawak ng bible ng manumpa si dating Pangulong Fidel Ramos noong 1992.

Magugunita na maging sa proklamasyon ni PNoy sa Kongreso ay hindi din pumanik sa rostrum ng Batasang Pambansa si Coun. Shalani subalit naroon siya sa VIP benches ng Kamara.

Sinabi ni Shalani na walang nag-imbita sa kanya para pumanik sa podium at sumama sa pagpapakuha ng litrato.

Sa kauna-unahang press conference naman ni Aquino matapos siyang iproklama ng National Board of Canvassers ay sinabi nitong pahuhulaan muna niya kay Madam Auring kung may mangyayaring kasalan sa Malacanang sa kanyang termino.

AQUINO

BATASANG PAMBANSA

BENIGNO AQUINO

CEBU CITY

FIRST LADY AMELIA RAMOS

FIRST LADY LOI

MADAM AURING

MANOLO QUEZON

MIKE ARROYO

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with