MANILA, Philippines - Itinakda na ng Sandiganbayan ang arraignment o pagbasa ng sakdal kina SSS President Romulo Neri at dating Comelec chairman Benjamin Abalos para sa kasong katiwalian na may kinalaman sa pagkakasangkot ng kanilang pangalan sa National Broadband Network-ZTE anomaly.
Sa Hulyo 20 itinakda ng 4th division ng anti-graft court ang arraignment ni Abalos habang sa Hulyo 16 naman ang arraignment ng 5th division kay Neri.
Kasunod ito ng pagpapalabas ng dalawang dibisyon ng hold departure order laban sa dalawang akusado upang hindi makalabas ng bansa ng walang permiso ng korte.
Ang dalawa ay kapwa nagpiyansa na sa Sandiganbayan ng tig-P30,000 sa kanilang kaso bago pa man sila maisyuhan ng warrant of arrest.