MANILA, Philippines - Puspusan na ang ginagawang pagkukumpuni ng mga tauhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Very High Frequency Omni Directional Range (VOR) na nasira at naging dahilan ng pagkabalam ng mga international at domestic flights sa Ninoy Aquino International Airport noong Sabado.
Sinabi ni MIAA general manager Atty. Melvin Matibag, dalawa na lamang sa 51 alarm o elements ang hindi gumagana sa VOR, kahapon.
Ang VOR, ay isang navigational instrument na ginagamit ng mga eroplano para makalapag sa NAIA.
Ayon sa ulat, nangangamba ang Airline Pilots Association of the Philippines (ALPAP) sa pagkasira ng nasabing intrumento dahil malaking pinsala ang idudulot nito sa mga eroplano na lalapag sa runway sa NAIA lalo’t kung zero visibility ang panahon.
Gayunman, sinabi ni Matibag, na hindi dapat nagbigay ng matinding statement ang pamunuan ng ALPAP dahil malaking epekto ito sa tourism, ekonomiya at mga pasaherong gustong magpunta ng Pilipinas dahil tiyak na matatakot ang mga ito at hindi na pupunta sa nasabing bansa.