^

Bansa

First Gentleman nakarekober na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Masaya na ang buong pamilya Arroyo sa mabilis na pagrekober ni Unang Ginoo Mike Arroyo makaraan ang operasyon nito sa gulugod o “spinal colon” sa St. Lukes Hospital sa Taguig City.

Sa medical bulletin ni Dr. Juliet Cervantes, attending physician, pinasalamatan pa ng personal ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga staff ng pagamutan dahil sa matagumpay na operasyon sa pagseselebra ng pamilya sa “Father’s Day” sa loob ng pagamutan.

Kamangha-mangha umano ang mabilis na recovery ng Unang Ginoo dahil sa nakatayo na agad ito sa loob lamang ng 4 na oras makaraan ang operasyon. Agad rin namang nakaupo ito at ngayon ay nakapag­lakad-lakad na.

Inilipat na rin si Arroyo sa regular na kuwarto ng pagamutan kung saan ipagpapatuloy ang rehabilitasyon nito at inaasahan na makakalabas na ng ospital bago sumapit ang kaarawan nito sa Hunyo 27.

Sinabi ni Cervantes na hindi umano na­ging madali ang operasyon sa Unang Ginoo dahil sa may nauna na itong operasyon sa kanyang puso dahil sa sakit na “aortic aneurism”. Isang pagkakamali lamang umano ay maaaring maparalisado ang pasyente.

Nakatulong umano ng husto ang psychological counseling na dinaanan nito kaya naging positibo ang pananaw nito bago magpa-opera.

vuukle comment

DR. JULIET CERVANTES

HUNYO

INILIPAT

ISANG

KAMANGHA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

ST. LUKES HOSPITAL

TAGUIG CITY

UNANG GINOO

UNANG GINOO MIKE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with