^

Bansa

Pinay pinatay ng bf sa UAE

- Ni Ellen Fernando -

MANILA, Philippines - Isa na namang Pinoy ang posibleng mapatawan ng parusang bitay dahil sa brutal na pagpatay sa nobyang Pinay na itinapon pa ang bangkay nito sa isang liblib na lugar sa United Arab Emirates.

Sa report na nakarating sa Department of Foreign Affairs, dinakip ng UAE Police ang isang 40-anyos na Pinoy driver na hindi muna pinangalanan mata­pos ang malalimang im­bestigasyon sa pag­patay sa Pinay at sa ilang bu­wang paghahanap sa suspect.

Sa unang pagsalang ng akusado sa Dubai Court of First Instance, hiniling sa korte ni Chief Prosecutor Youssef Foulaz na mapatawan ng pinaka­mabigat na parusa ang nasabing driver dahil sa premeditated murder.

Noong Marso 31 ay magkasama umano ang akusado at ang nobyang 40-anyos sa loob ng isang sasakyan at nagkaroon sila ng matinding pag-aaway dahil sa pera.

Sa mainitang pagtatalo ng mag-nobyo, sinabuyan umano ng babae ng bu­hangin sa mukha ang lalaki sanhi upang magalit ang huli. Dahil dito, mabilis na hinubad ng Pinoy ang sinturon na suot ng nobya at saka sinakal hanggang sa malagutan ng hininga habang nasa backseat ng kotse.

Matapos na mapatay ang Pinay ay dinala ng akusado ang bangkay nito sakay ng kotse patungo sa Al Tawar. Hinubad muna ang mga suot ng babae at tinanggal ang mga gamit nito para hindi makilala bago itinapon ng akusado ang bangkay sa isang ilang na lugar. Matapos ang pagpatay ay nagtago na ang suspect.

Lubha namang nahi­rapan ang Dubai Police sa pagtukoy kung sino ang may kinalaman sa pagka­sawi ng Pinay hanggang sa magsagawa ng crackdown ang pulisya sa mga illegal alien na lumalabag sa ipinatutupad na ‘residency law’ ng UAE. Ang Pinoy at nobya ay pawang overstaying na sa UAE.

Nabatid na 421 katao ang dinakip hanggang sa makakuha ng lead ang UAE police nang isa sa mga naarestong babae ang nakakilala sa biktima mula sa ipinakitang lara­wan ng pulisya na naging daan upang matukoy ang mga kaibigan nito kabilang ang suspect, ayon naman sa report ng Khaleej Times.

Sa isinagawang intero­gas­yon matapos na ma­aresto, inamin umano ng Pinoy na siya ang pumatay sa nobya at isinalaysay niya na nag-away sila hanggang sa sakalin niya ito ng waist belt na suot ng babae.

Sa ipinalabas na forensic report, nakitaan ng marka sa leeg ang Pinay at lumalabas na inatake siya ng sakal mula sa kanyang likod. 

AL TAWAR

ANG PINOY

CHIEF PROSECUTOR YOUSSEF FOULAZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DUBAI COURT OF FIRST INSTANCE

DUBAI POLICE

KHALEEJ TIMES

PINAY

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with