^

Bansa

Estudyante sa public schools lumobo dahil sa kahirapan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lalo pang dumami ngayong pasukan ang bilang ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan matapos na maglipatan ang mga nasa pribadong eskwela dahil sa nararanasang kahirapan sa bansa.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Mona Valisno na umaabot ng mahigit sa 20.17 milyong estud­yante o 86 porsiyento ang nag-enroll ngayon sa pampublikong paaralan kumpara sa 3.26 milyon o 14 porsiyento lamang sa private schools.

Noong 2009-2010 school year, nasa 19.46 mil­yon ang mag-aaral sa mga pampublikong elementarya at high school habang 2.98 milyon naman sa mga pribadong paaralan.

Sinabi pa na ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga enrollees sa public school ay dahil umano sa maraming mag-aaral mula sa private school ang patuloy na naglilipatan dala na rin ng mataas na matrikula.

Nauna ng nagpaha­yag ng pangamba ang Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) hinggil sa mistulang taun-taon ay parang nagiging tradisyon na mala-down trend sa enrollment sa mga pribadong eskwelahan at ito’y malinaw umanong dahil sa mas tumitinding kahirapan sa bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang enrollment sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa. Nabatid na tatagal ang enrollment hanggang Hunyo 30, upang bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na nahuli sa enrollment at nais pa ring pumasok sa eskwelahan na bahagi ng “education for all” na programa ng pamahalaan.

AYON

CATHOLIC EDUCATIONAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION

HUNYO

NABATID

NAUNA

NOONG

SAMANTALA

SECRETARY MONA VALISNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with