Self-defense tampok sa gun seminar

MANILA, Philippines - Pagpapaigting sa pagtatanggol sa sarili ang pangunahing ituturo sa gaganaping seminar sa 2010 Defense and Sporting Arms Show (DSAS) Part 1 sa SM Megamall sa Mandaluyong City mula Hulyo 15 hanggang 19.

Isasagawa ang okasyon sa Mega Building B sa naturang mall kung saan idi-display ang mga makabagong mga armas. Napapanahon umano ito ngayon makaraang magtapos ang “gun ban” na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Attorney Hector Rodriguez, pangulo ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD), ang kanilang gun show ngayong taon – na may temang: “Gun ownership: A lifetime responsibility” - ay meron din lectures sa self defense na pangungunahan ng mga Filipino martial arts experts.

Inaasahang dadagsain ng mga gun enthusiast ang limang araw na 2010 DSAS Part I sa ipapakitang mga makabagong baril at mga shooting paraphernalia ng mga pangunahing gun dealers at manufacturers sa bansa,

Kabilang sa mga libreng lecture ay ang “Interactive Workshop on Handgun Cleaning, Disassembly & Assembly” ni Ernie “5Zero” Claudio ng Center for the Philippine Pro Shooter Association (CPPSA) sa pagbubukas ng 2010 DSAS Part I sa July 15.

Patuloy din ang seminar sa “Gun Safety & Responsible Gun Ownership” ni Eustacio “Jun” Sinco ng PPSA-National Range Officers Institute (NROI).

Show comments